Biyernes, Setyembre 19, 2014

halimbawa sa pagsusuri

Pagsusuri sa Pelikulang Praybeyt Benjamin

       Ang The Unkabogable: Praybeyt Benjamin na pinangungunahan ni Vice Ganda ay isa sa pinaka sumikat na pelikula noong 2011. Ito ay kwento ng baklang si Benjie na mula sa isang pamilyang militar. Siya ay kinakahiya ng kanyang lolo sapagkat ang kanyang kasarian ay hindi nababagay sa kanilang pamilya na kilala sa pagiging matatapang ng mga lalaking sundalo. Ngunit ng magkagulo ang bansa dahil sa mga terorista, maraming mga heneral ang mga dinukot at isa dito ay ang lolo ni Benjie. Dahil dito, ang militar ng Pilipinas ay tumipon ng isang lalaki bawat pamilya upang maging sundalo at ipaglaban ang bansa. Dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang ama, si Benjie ang sumali upang ito ay hindi mapahamak. Ngunit habang nasa kampo, si Benjie at ang kanyang mga kasamahan ay pinagtatawanan sa kanilang mahinang kakayahan. Subalit dahil dito si Benjie at ang kanyang grupo ay nagpursigi at hindi nagatagal, naligtas nila ang mga na dukot na mga heneral at ang bansa mula sa mga terorista.
            Nagpapakita ng uniting unting pagangat ng pagka konserbatibo ng mga Pilipino ang pelikulang Praybeyt Benjamin. Ito ay larawan ng pagtanggap ng ating lipunan sa ideya ng hindi tradisyunal na kasarian o ang pagiging bakla ng ibang mga tao. Ito din ay nagpapakita na masmaraming bakla ay ang hindi na takot sa dating mapanghusgang lipunan. Sa pagsikat ng artistang si Vice Ganda, masasabi nating ang ating lipunan ngayon ay mas bukas na sa mga taong tulad niya.
            Ang pelikula hindi lamang nagpapakita ng pagtanggap sa mga bakla ngunit ito din ay nagpapakita ng mga kakayahan at kalakas ng mga nito. Pinapahayag ng pelikula na ang kasarian ng isang tao ay hindi hablang sa maaring gawin ng isang tao. Ang kaya gawin ng isa ay kakayanin din gawin ng iba. Lahat tayo ay pantay pantay at patas.

praybet benjamin

pagsusuri

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula

1.    Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga katangin ng tauhan upang makilala ang bida (protagonista) at ang kontrabida (antagonista)?
2.    Istorya o Kwento – May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o ito’y isang gasgas na kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa pelikula upang lubos na maunawaan ng mga manonood? 
3.    Diyalogo – Matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kauuan ng pelikula. Angkop ba ang lenggwahe sa takbo ng mga pangyayari?
4.    Titulo o pamagat – Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at nauunawaan ng manonood ang mga simbolisno na ginamit sa pamagat?
5.    Sinematograpiya – Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Nakatulong ba ang paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa kwento?
6.    Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at diwang titimo sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay?