Lunes, Hunyo 2, 2014

. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Isang bagay na dapat ay mayroon ka at hindi
    maaaring wala. Ano ito?
    a.pagkain                 c.alahas
    b.puhunan                d.pangangailangan
2. Ito ay batayang katotohanan na ang mga
    pinagkukunang yaman ay limitado.
    a.kakulangan           c.kakapusan
    b.likas na yaman      d.walang hanggan
3. Nais nating makamit ang mga bagay na ating naisin,
    kaya tayong lahat ay itinuturing na
    a.mamamayan         c.manggagawa
    b.konsyumer            d.ekonomista
4. Ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga
    produkto at serbisyo upang matugunan ang
    pangangailangan.
    a.distribusyon          c.pagkonsumo
    b.produksyon          d.pamimili
5. Ang sentro ng pag-aaral  na ito ay ang pangkat ng
    mga tao na may isang layunin,lahi,adhikain at
    simulain.
    a.agham pampulitika           c.biyolohiya
    b.agham panlipunan            d.etika
6. Paano naging agham ang ekonomiks? Piliin ang
   pinakamalapit na sagot.
    a.pag-eeksperimento sa mga bagay-bagay
    b.pag-aaral sa mga suliranin
    c.pag-aaral ng tao sa lipunan
    d.pagsusuri gamit ang syentipikong pamamaraan
7. Ang gawaing pangkabuhayan ng mga naunang tao
    ay may epekto sa pamumuhay natin ngayon, anong
    syensya ang tinutukoy.
    a.pampulitika-Eco               c.pisika-Eco
    b.kasaysayan-Eco                d.demograpiya-Eco
8. Ayon kay Jeremy Bentham, nagmula ang halaga ng
    isang bagay sa nalilikha nitong kapakinabangan.
    Ano ito?
    a.utilitarianism                     c.laissez faire
    b.descriptive economics     d.oeconomicus
9.Ang katangian at kaanyuan ng daigdig bilang salik sa
   pattern ng kalakalan ng mga tao at mga bansa, anong
   syensya ang tinutukoy.
    a.anthropology-Eco             c.sociology-Eco
    b.geography-Eco                 d.psychology-Eco
10.Ayon kay Adam Smith, ipinahayag nya na hindi
    dapat makialam ang pamahalaan sa pagpapaunlad
    ng industriya ng pribadong tao. Ano ito?
    a.utilitarianism                     c.laissez faire
    b.descriptive economics     d.oeconomicus
11.Ang mga sumusunod ay mga suliraning pangka- 
     buhayan na nangangailangan ng solusyon. Alin ang
     hindi kabilang?
    a.napakahabang trapiko sa kamaynilaan
    b.kakulangan ng tirahan
    c.paniningil ng buwis ng pamahalaan
    d.kawalang ng mapapasukang trabaho
12.Sya ang Ama ng Komunismo na naniniwala na ang
     estado ang dapat kumontrol ng yaman ng bansa.
    a.David Ricardo      c.Thomas Robert Malthus
    b.Karl Marx             d.Francois Quesnay
13.  Ayon sa kantang Teach me Economics, ang
     economics daw ay pag-aaral kung paano_____
     ang_____sa kabila ng limitadong yaman.
     a. sapatan/yaman    c.gamitin ng wasto/yaman
     b. sapatan/pangangailangan   d. gamitin/kalikasan
14. Ang pagkakaroon ng mga batas na itinakda ng
     pamahalaan ay may epekto at impluwensya sa ating
     pamumuhay at kabuhayan ng bansa. Anong syensya
     ito.
     a.agham pampulitika-Eco       c.kemistri-Eco
     b.pisika-Eco                           d.etika-Eco
15. Marami pang ibang agham ang maaaring maiugnay
     sa Economics kung kayat ito ay tinawag na.
     a. Hari ng Agham Panlipunan
     b. Reyna ng Agham Panlipunan
     c. Prinsipe ng Agham Panlipunan
     d. Prinsesa ng Agham Panlipunan
II. Punan ng tamang sagot ang mga patlang.
Ang Kahulugan ng Ekonomiks
Ang Ekonomiks ay may kinalaman sa _16__, _17__at _18__. 
16. Produksyon, 17.Distribusyon, 18. Pagkonsumo
Ang Ekonomiks ay isang __19_na naglalayong pag-aralan ang mga _20__at _21__ ng mga tao at ang mga pamamaraan ng _22__ nila ng _23__ ng bansa upang __24_ ang tila walang katapusang _25__ at _26__ nila sa buhay.
19. Agham  20. kilos  21. Pagsisikap  22. Paggamit  23. Limitadong yaman  24. Matugunan o masapatan 25. Pangangailanan 26. Kagustuhan
III. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
27-38. Kilalanin kung sinong Ekonomista ang
           tinutukoy. Gamitin ang acronym na
                       TAKDA-FX-J3G
      bilang clue sa mga ekonomistang pagpipilian
27. Ama ng komunismo-karl Marx
28. An Essay on the principle of population- Thomas Robert Malthus
29. Tableau Economique- Francois Quesnay
30. An Inquiry into the nature and causes of the wealth
      of nations- Adam Smith
31. Law of diminishing returns- David Ricardo
32. Father of Modern Employment Theory- John Maynard Keynes
33. Ama ng makabagong Ekonomiks- Adam Smith
34. Naniniwala sa kahalagahan ng lupa sa pag-unlad
      ng bansa- David Ricardo
35. Kauna-unahang pilipinong ekonomista- Gregorio Sancianco y Goson
36. General Economic Development Plan- Jose Basco y Vargas
37. Oeconomicus- Xenophon
38. Nagtaguyod sa pagsasadisiplina ng ekonomiks- Alfred Marshall
IV. 39-40 Ibigay ang mga hakbang sa pagsusuri gamit
      Ang syentipikong pamamaraan sa paglutas ng mga
      suliraning may kinalaman at epekto sa ating

      ekonomiya. (2pts)

1. Paglalahad ng suliranin
2. Pagbibigay ng Hypothesis
3. Pangangalap ng mga datos at Impormasyon
4. Kongklusyon at Rekomendasyon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento